I would go insaneeeeee pag magkalaban man sila. Fan kasi ako ng mga battle na kumpletos rekados; present lahat ng elements ng rap battle. Mapa jokes, teknikals, signature lines, flow, wordplay, anagram, heavy bars.
Kaya paulit-ulit kong pinapanood mga dpd battles na Flict G/Damsa vs Team SM at Crip/Towpher vs Lanz/Invic. Busog kasi at walang tapon tas puno pa ng iba't-ibang elements kumbaga andaming variety kaya hindi nakakatawa.
Ang underrated ng pagiging komedyante ni Flict kasi nakakabitaw siya ng jokes na kuhang-kuha talaga kiliti ko. Yung style ng comedy dati na kala mo yun na tas may karugtong pa palang punchline.
Gaya ng;
"May pwesto kasi sila sa uber, uber-pass"
"Champion ng sunugan, sunugan ng balat whoop whoop"
"Lechon kawali, yung may hawakan"
Ayan, yan talaga pinaka kiliti ko pagdating sa jokes at tingin ko halos lahat naman kayo makakarelate dito.
Same din sila ni Towpher kaso ibang timplada naman kanya, naglelean more on dad jokes si Towpher ngayon pero nakakatawa pa rin naman somehow. At mga rebut niyang inaamin niya mga binabanat ng kalaban sa kanya at yun yung nakakatawa kasi na-ooff yung guard mo kasi di mo ineexpect.
Sa battle din na to magpapaulan yan sila ng heavy bars, flow, jokes. Magpapalitan ng signature lines si Flict G at Crip na "kamusta" lines ni Flict, "magpapatalo lang ako kapag" ni Crip at baka lumabas nga rin ulit si uncle at Jackie sa laban na to.
Magiging soundtrip din tong battle na to. Mabubusog tenga at sasakit tiyan natin katatawa rito. And I would definitely buy a ticket again just to witness this live.
Kayo, ano sa tingin niyo?