r/Marikina • u/_yawlih • 12h ago
Other May mga gumagala na namang Snatcher sa ConDos!
Sorry for the title di ko kasi alam ano tamang title for my experience.
Kaninang 5pm magja-jog sana ako sa marikina heights (after a month na pahinga), nasa kanto pa lang ako ng panganiban (Panganiban st. - Scarlet st. Intersection) muntik na ma-snatch yung phone ko (di naman ako pala-cp sa daan nasakto lang talaga na naglabas ako ng phone para replyan yung client ko na nagcha-chat that time dahil may tinatanong sakin. Naglalakad ako then pasalubong siya though aware naman ako na makakasalubong ko siya dahil lagi ako tumitingin sa dinadaaanan ko kahit nag-ccp. Saktong mabilis siyang lumapit sabay hablot buti na lang din maagap ako at niyakap ko yung cp ko sabay minura ko siya ng pasigaw (sakto rin na walang mga tao sa daan at sasakyan that time). Nung di niya naagaw cp ko tumakbo siya papunta dun sa way ng charis school.
Medyo traumatic, firsttime to nangyari sakin dito pa talaga sa malapit samin at maaaga pa. Nagpunta na rin kami sa baranggay then inikutan nila pero for sure nakauwi at nakapagtago na yon. Concern ko lang talaga is baka makabiktima pa siya ng iba or mga estudyante sa daan. Feeling ko rin taga doon lang rin siya banda kaya sana mahuli siya.
Ingat po kayo lalo na kapag nagja-jog, walk kayo wag kayo basta-basta mag cp sa daan make sure din na matao kung nasaan kayo kasi di mo talaga expect sino sa mga makakasalubong mo yung masama or mabuti. huhu
to describe yung snatcher parang nasa 20s pa siya. kalbo, payat, and moreno. naka-jersey purple siya nung na-timingan niya ko. parang student pa lang siya pero mukha siyang tambay ganon.