Nagulat ako at nagtataka bakit yung first name ko sa MySSS portal ay naputol, samantalang kumpleto yung first name ko sa SS number slip na galing din naman sa SSS. Worried ako na hindi makapag-apply for SSS salary loan due to name discrepancy.
Sooo nag-leave ako today at pumunta ng SSS Makati Cinema Square. 69th Anniversary pala ng SSS today kaya Pinoy fiesta mode sila, pero hindi nakaka-Happy Anniv ang proseso nila! 😒
Una, pinaulit-ulit ako magfill out ng e4 kasi kada field na bakante ay dapat lagyan isa-isa ng N/A 🙄 tas 2 copies pa lol.
Kung kelan tama na yung placement ng N/A, saka sinabing di pa rin ako pwede magproceed kasi di ko dala orig PSA birth cert ko. Dala ko naman yung photocopy ng birth cert + original & photocopy ng NBI clearance, TIN ID, digital national ID + other IDs that bear my complete name. Lahat yun binase sa PSA birth cert ko.
Realized na sa MySSS lang naman may error sa name ko so I asked uli saan pwede magpaassist. Pinapila ako sa e-Center, waited for n minutes then finally natawag din…only to find out na cinut daw ng system yung first name ko due to character limit, and thus need ko pa rin magpaupdate ng name via e4 form with supporting docs & IDs.
System ng portal ang may kakulangan, pero miyembro magdurusa at magpapagod para itama ang mali ng sistema nila. TAMA BA YUN? PATAS BA YUN?
Baka pwede isync na lang ng SSS yung records nila sa system. Beke nemen. System nila nagkaproblema so dapat naman sila mag-ayos di baaaaa
Sabi kanina ng emcee nila, mahal na mahal daw ng SSS ang members nila 🥴 Parang hindi naman. Parang gusto pa nga pahirapan eh 😜 Hope they reconsider their processes lalo na't nasasayang oras (and araw ng pasok) ng mga pumipila sa kanila 😤 Happy Anniversary, SSS…not!
Btw, messaged na rin the official SSS complaints email regarding this. Also tried to call their hotline pero "all lines are busy right now" edi wow