r/CasualPH • u/Plane_Restaurant_337 • 21m ago
Kwentong Casual nagpabunot ako ng second molar
45 minutes na nakalipas. Worried ako na mararamdaman ko na ang sakit. 😭
Nag-take na ako ng mefenamic. Nag ice-cream and currently may yelo sa pisngi.
r/CasualPH • u/AutoModerator • 12h ago
It's midweek already. Quick check-in time.
How’s your week going so far?
You can share things like:
• something good that happened this week
• work or school struggles
• random thoughts or realizations
• something you’re looking forward to
• pagkain mo today (always valid)
Kwentuhan lang. Nothing too serious.
Quick reminders:
No politics, NSFW, selling, or self-promotion.
Be respectful and follow r/CasualPH rules
r/CasualPH • u/Plane_Restaurant_337 • 21m ago
45 minutes na nakalipas. Worried ako na mararamdaman ko na ang sakit. 😭
Nag-take na ako ng mefenamic. Nag ice-cream and currently may yelo sa pisngi.
r/CasualPH • u/Ohwley • 7h ago
So nung Sunday, nag meet kami ng mga friends ko. We went to Greenhills kase gusto namin tumingin ng iPad and clothes dun. Then, I was about to buy an iPad mini 2nd gen since gagamitin ko lang siya for eBook reading. Since nakipag haggle na yung friend namin and we both agreed to the price, I grabbed my wallet from the bag then nilagay ko lang sa may kili-kili ko saglit since isasarado ko yung zipper. Then, itong si ateng tindera nag kweno bigla na "alam niyo ba, kapag nag tatanong kami kung ano hanap nila, lagi nilang sinasabi na lalake po" We started laughing and sharing stories since kalog din sila ate tindera sa stall nila. Medyo napasarap yung kwentuhan namin then when I remembered na to give the money to ate, sabi ko is hindi ko makita wallet ko. I was searching my bag and then yung friend ko is nilabas niya lahat ng gamit from my bag then wala dun. I was about to worry na kase nandun lahat. mga cards, IDs and cash pa. Then, ate saw my wallet sa may kili-kili ko then napatingin nalang kami then nag tawanan nalang kaming 3. Honestly, sobrang kinabahan talaga ako nun. My friend pinched me sa sobrang inis niya. Haha! Kahit si ateng tindera is naloka samin and mag start na raw sana siyang mag worry then nakita nga niya yung wallet ko sa kili-kili ko. Nawala na sa isip ko na nalagay ko pala dun kase nag kwentuhan and tawanan pa kami. Grabe yun. Sobrang lutang daw ako nun.
2nd lutang moment on the same day is kakain na kami ng dinner then nag hahanap na kami ng resto. We decided na sa Panda Express na kami kakain. Pero for some reason, Food Panda ako ng Food Panda. Then sabi naman ni friend "Ay? Bago na? Di ako nainform na Food Panda na pala siya" Then they laughed so hard hanggang sa hindi ko nagets nung una kung bakit. Hanggang sa sinabi ko na "Sa Food Panda naman talaga tayo kakain diba?" Pero tawa parin sila ng tawa. Hanggang sa sinabi ng friend ko na "Panda Express kase bex kaloka ka" Hanggang sa natawa nalang din ako.
3rd lutang moment on the same day is pauwi na kami so nag book na kami ng ride. I decided na mag aangkas nalang. Until may nag accept na then waiting for the driver to arrive. Naunang dumating yung sa friend ko then may dumating na isa. For some reason, hindi ko alam kung bakit ko tinanong kung Joyride ba si kuya so siyempre hihindi talaga siya. Then sabi sa app is the driver has arrived na pero tingin parin ako sa paligid then refreshing the page pero same parin yung result. Then, binanggit na ng driver yung name ko then i approached him and told him na tinanong kita kanina eh. Sabi sakin "Eh sa angkas po ako hindi joyride" Napatingin uli ako sa app and sabi ko nalang na sorry. Tawang tawa nanaman yung friend ko pero sa sobrang tawa niya, sinabunutan na ako then sabi "Besh, pangatlo na to ha! Ang lala mo na!" then si manong driver natawa nalang din then sabi, Lutang yarn? Natawa nalang talaga ako. Hindi ko rin magets kung bakit. Haha! Please don't judge. Happy moments lang po. 🤣🤣🤣❤️❤️❤️
r/CasualPH • u/JuicyVanilla23 • 11h ago
Hi everyone! Looking for cozy places sa Metro Manila where I can chill, eat, read, and just vibe/emote in peace 😅
Naisip ko yung Grand Hyatt BGC kasi ganda daw ng view and sarap ng food. Anyone been there for this kind of vibe?
Open din ako sa other recos — cafes, restos, coworking spaxes anywhere na quiet and comfy talaga for solo reading sessions or chill sessions.
Bonus points if may good coffee/food and hindi masyadong maingay. 💕
TIA sa mga suggestions!
r/CasualPH • u/Otherwise-Rice-9033 • 13h ago
Well, this is officially my first job. 🥹💙
I still remember being a kid and begging my mom to take me to SM. I used to get so excited just knowing we were going there. Haha. Back then, SM was just a place that made me happy. 😆
The little kid who used to look forward to every trip to SM somehow grew up and ended up working here. Hahahuhu.
From being that kid who looked forward to every trip to SM, to now being part of one of the biggest SM malls in the South. Who would’ve thought? 🥹
First job, first big step. 💙
r/CasualPH • u/Recent-Skill7022 • 15h ago
r/CasualPH • u/Obvious_Syllabun0616 • 16h ago
r/CasualPH • u/ayawkosaconsequences • 17h ago
Hindi na pala angpao ngayon, letter of intent na. Gulat ako may nagbigay pa din kahit iphone yung nakalagay sa sulat nya ksksksk. Sa speech niya sinabi nya pangbili lang ng pagkain, maybe iba nagsulat tapos hindi nya alam ibig sabihin??
r/CasualPH • u/redittorjackson99 • 17h ago
Guys 2 weeks ago kasi napansin ko biglang lumabo yung kanang mata ko up to now, gusto ko sana magpa-check up kung kailangan ko na mag-eyeglass, paano ba nada-diagnose/nade-determine yung grado ng labo ng mata? nahihilo din ako ng slight dahil hindi nga siguro pantay yung eyesight, Sa Opthalmologist ba or sa Optometrist ako pupunta? salamat sa mga sasagot. 😊
r/CasualPH • u/AsianCastleGyatt • 18h ago
Wala na space cabinet ko haha
r/CasualPH • u/LikhangKamay • 23h ago
r/CasualPH • u/NorthTemperature5127 • 1d ago
I'm not really compatible with the season.
r/CasualPH • u/Different-Scarcity21 • 1d ago
Good day! I’m still on a leave today but will be traveling for work this midnight and I dont wanna bed rot the whole day. Can you please recommend a cool/cute cafe or kung saan pwede magspend ng day and eat good food within Manila/Cubao area? Can be something you’ve tried na or you wanna try then I’ll give my unfiltered review chos. Im also planning to complete my 10k steps so okay lang rin if mahabang lakaran ang gagawin haha. Thank you!
r/CasualPH • u/kyu-are-you • 1d ago
“masarap ka magtimpla ng kape.”
ang simple lang no?
sa dami ng pwedeng maalala tungkol sa isang tao, minsan hindi naman “mahal kita” yung bumabalik.
hindi yung first date niyo. hindi yung anniversary. hindi rin yung mga mahahabang message na sinend niyo sa isa’t isa nung bago pa lang kayo at pareho pa kayong may energy mag-type ng limang paragraphs bago matulog.
minsan, kape lang.
yung timpla na hindi mo na kailangang sabihin kung pano.
alam niyang ayaw mo ng sobrang tapang. alam niyang dalawang kutsaritang asukal lang. alam niyang gusto mong mainit pero hindi yung mapapaso ka tapos mawawala panlasa mo for the next three business days.
walang romantic don.
walang flowers. walang candlelight dinner. walang background music.
may tasa lang sa mesa.
pero siguro ganon talaga pag matagal mo nang kasama yung isang tao. unti-unti kayong nagkakaroon ng sarili niyong sistema.
alam niya kung anong side ng kama gusto mo.
alam mo kung anong part ng chicken yung kanya.
alam niyang pag sinabi mong “okay lang ako,” minsan okay ka talaga. pero alam din niya kung kelan yung “okay lang ako” na kailangan niyang magtanong ulit after five minutes.
alam niyang ayaw mong kausapin pagkagising.
alam niyang kailangan mong mag-kape muna bago ka maging mabuting tao.
mga maliliit na bagay na wala namang meaning sa ibang tao.
pero sa inyo, meron.
siguro eto yung hindi natin masyadong pinag-uusapan tungkol sa pagkawala ng isang tao.
hindi lang naman kasi yung tao yung nawawala.
pati yung routine.
pati yung mga maliliit na bagay na nasanay kang may gumagawa para sa’yo.
pati yung version ng sarili mo na may isang taong kabisado.
kaya minsan akala mo okay ka na.
ilang buwan na rin.
nakakapasok ka naman sa trabaho. nakakalabas ka na with friends. nakikinig ka na ulit sa mga kanta na dati automatic skip.
hindi mo na chine-check kung online siya.
hindi mo na rin chine-check profile niya gamit yung account na walang profile picture.
growth.
tapos isang random na umaga, magtitimpla ka ng kape.
tikman mo.
parang may kulang.
dagdag asukal.
hindi pa rin.
dagdag creamer.
mas lalong hindi.
tapos bigla mong maiisip,
“pano nga ba niya ginagawa ’to?”
ayun.
good morning.
relapse tayo today.
ang daya ng memory no?
kaya nating makalimutan yung exact date ng first date. nakakalimutan natin kung anong suot niya nung una tayong nagkita. minsan nga pati yung pinag-awayan niyo hindi mo na maalala nang maayos.
pero yung pakiramdam na may nag-abot sa’yo ng kape nang hindi mo hinihingi?
andyan pa rin.
kasi siguro hindi naman lahat ng “i love you” kailangan sabihin.
minsan “kumain ka na?”
minsan “text mo ko pag nakauwi ka.”
minsan “ako na.”
minsan sinaksak na niya charger ng phone mo kasi alam niyang matutulog ka na naman nang 8% yung battery.
minsan tinatanggal niya yung sibuyas sa pagkain mo kasi alam niyang ayaw mo.
minsan kape.
at habang tumatanda ako, mas naiintindihan ko na baka eto talaga yung intimacy.
hindi yung may malaking surprise every anniversary.
hindi yung mahahabang captions sa instagram.
hindi yung kailangan makita ng ibang tao kung gano kayo kasaya.
baka intimacy is simply being known.
yung may taong alam kung pano ka alagaan without needing instructions every time.
kasi maraming tao ang pwedeng magtanong ng “anong gusto mo?”
pero ibang klase yung taong hindi na kailangang magtanong.
alam na niya.
and maybe that’s why losing someone hurts in such stupidly specific ways.
hindi mo lang nami-miss yung mukha niya.
namimiss mo yung taong alam na ayaw mo ng raisins sa menudo.
yung taong alam kung kelan ka kailangan kausapin at kung kelan kailangan ka lang tabihan.
yung taong alam na pag sinabi mong “bahala ka,” definitely hindi ibig sabihin non bahala siya.
namimiss mo yung feeling na kilala ka.
at siguro mas masakit pa don, namimiss mo rin yung version mo nung kasama mo siya.
yung ikaw na may inuuwian.
yung ikaw na may ka-share ng random kwento tungkol sa trabaho.
yung ikaw na may sesendan ng picture ng aso na nakita mo sa daan.
yung ikaw na hindi kailangang sabihin kung pano mo gusto yung kape mo.
pero eto rin siguro yung kailangan nating matutunan after mawalan ng tao.
darating yung point na kailangan mong kilalanin ulit yung sarili mo nang wala siya.
kailangan mong malaman kung pano mo gustong alagaan.
kailangan mong malaman kung anong nagpapakalma sa’yo, anong nagpapasaya sa’yo, anong kailangan mo pag pagod ka, at kung ilang kutsaritang asukal ba talaga yung gusto mo.
kasi for the longest time, baka may ibang taong gumagawa non para sa’yo.
ngayon ikaw na.
sa una, mali yung timpla.
masyadong mapait.
kinabukasan masyadong matamis.
minsan matitikman mo at maiisip mo pa rin,
“mas masarap yung gawa niya.”
okay lang.
hindi naman kailangan burahin lahat para masabing naka-move on ka na.
may mga taong hindi talaga natin nakakalimutan.
nag-iiba lang yung bigat ng pag-alala sa kanila.
hanggang isang araw, magtitimpla ka ulit.
iinom ka.
sakto.
at baka maalala mo siya.
pero this time, hindi na sasakit.
baka mapangiti ka pa.
kasi minsan sa buhay mo, may taong nakilala ka nang mabuti enough para malaman kung pano mo gusto yung kape mo.
at kahit wala na siya, may naiwan siyang isang bagay na mas importante kaysa sa timpla.
alam mo na ngayon kung pano mo gustong mahalin.
at unti-unti, natututunan mo na ring ibigay yon sa sarili mo.
kaya oo,
masarap ka magtimpla ng kape.
pero okay lang.
marunong na rin ako.
(PS: this is somewhat inspired by Henry Igna's 'Masarap Kang Magtimpla ng Kape' spoken poetry piece."
r/CasualPH • u/Wansapanataym_in22 • 1d ago
r/CasualPH • u/menchikaatsu • 1d ago
gusto ko mag try ng iba, lagi nalang coffee mate hahahaha
r/CasualPH • u/Lower_Deal_7479 • 1d ago
Because you know, ber months naaaa :)))))
r/CasualPH • u/HokageNiya • 1d ago
Hello po, ano po kayang marerecommend niyo na perfume for women. Yun pong may "powdery scent".
Pang reregalo lang sa friend kong mag-30. 💖
TYIA po.
r/CasualPH • u/Adventurous_East_182 • 1d ago
Healthy Options, Kailangan ba na yung app lagi ang ipresent tapos may data pag bubuksan or ung branch lang dito?
Yung nanay ko is computer/tech illiterate. Walang storage yung phone niya kasi pang text call lang (as in wala tlgang storage). Kaya pinicturan ko nlng qr para sabihin niya sa cashier nasa gallery. Kita nmn qr and acct number bakit need pa live app so dapat may data din? Sana magkaphysical card nlng sila kasi apakastressful. Di ko pa nmn kaya pumunta on my own.
r/CasualPH • u/0samaBenLagging • 1d ago
r/CasualPH • u/Shoulder_Crazy • 1d ago
I just want to hear your inspiring stories prior to reaching that net pay.
r/CasualPH • u/edgx9 • 2d ago
r/CasualPH • u/CinnamonRolls69 • 2d ago
Just wanna ask this kasi I stalked an account's timeline. They had story uploaded but I didn't open it. However the story still appeared in their timeline and I was able to see it. After scrolling up, I noticed the blue outline in their profile became gray. I'm confused about this.
r/CasualPH • u/WhereasOk8766 • 2d ago
Hi! Marlboro blue po usually gamit ko and tagal ko na rin hindi nag-vvape so hindi ko na alam ano magandang vape bilhin ngayon.
Ayoko ng super tamis kaya naisip ko mag-Relx nalang. Pero ang mahal din kasi so baka may alam kayo na alternative na dispo pero hindi masyadong matamis :(
r/CasualPH • u/bff_fries_mcfloat • 2d ago