App Used: LEMONEYD
Hi, I'm 26F. As of now, eto ang savings ko. Bukod ang savings ko sa MP2, since shared kami ng BF ko sa account, nakalist lang kung magkano nahuhulog namin each, para sabay magmature.
18k ang salary ko, no deductions since I'm under apprenticeship. Pero I pay for it voluntarily, in case na need ko sya in the future except sa Philhealth. I also have part-time jobs. Kaya nakakaipon ako.
Gumagastos lang ako, one time big time na. Di na rin ako bumibili ng mga mumurahin na damit/gamit, mas prefer ko yung medyo pricey and quality pero matagal ko na magamit. Sa makeups/skincare, bibili lang ako pag kailangan na kailangan ko na. Di na rin ako nagpapadala sa mga budol sa social media.
I pay for my electricity bill since WFH ako. I also have St. Peter quarterly ang payment, but paid na ako for a year. Also, installment din ang phone ko, paid na rin 8/24. I hope I'm doing okay, na nakakasave ako ng maayos for future.
Pero, parang ang liit pa rin kasi neto knowing ang inflation yearly. But, I know achievement na rin sya dahil hindi naman kami mayaman.
Any tips pa kung saan pa po pwede magsave? Ano pang mga future investments ang pwede kong iconsider kapag medyo kaya kaya na ulit kumuha, or after ng St. Peter ko.