I'm a fresh graduate and as the title says I want to ask if worth it pa po ba ipursue ang 2years apprenticeship dito sa pilipinas? I tried working sa firm na inirecommend ako ng prof ko but I resigned due to health reasons. Well, partly because my salary was 13k/month and malayo sa bahay ko ung office. Different story na yun actually pero with it in mind ay nakapag isip isip pa ako ng mas malalim.
For context, talagang ginapang ko mapagraduate sarili ko by being a working student buong 5years ko in college. May mga gaps lang na tumitigil para magpahinga or dahil mag major plates pero ilang buwan lang. Sinabi ko sa sarili ko na hindi nako babalik sa call center or sa pagttrabaho sa gabi (as VA) dahil sa nadulot nito sa health ko pero ngayon na nakikita ko kung gaano ka baba ang sweldo at gaano karaming dagdag gastos at effort pa ang kailangan ko gawin para makakuha ng certificates, trainings, or additional licenses (plumbing, enp/mmep, etc) para ihire ako or atleast maging qualified kahit wala ako nung 1-2 yrs experience na hinahanap sa mga "fresh grads" at magkaron ako ng strong chance sa job market.
sa totoo lang passionate talaga ko sa architecture, oo burn out ako pero ayoko sana maalis ung maliit na hope sa puso ko na magagawa ko tong trabaho na to ng hindi inaundermine ung health at financial capability ko kasi after all hindi naman ako mapapakain ng passion lang, dapat kumikita rin ako ng sapat para ma fund ung buhay ko kahit di man lavish pero disente man lang sana.
nakikita ko ung mga posts na hindi naman ako mag isang nararamdaman at nararanasan to pero i cant help myself but realize na oo nag rereklamo nga tayo pero pareparehas lang naman tayong kabilang sa sistema at walang magawa, so should i settle for less salary na uncertain ang job security at i-go ang apprenticeship kahit hindi naman sigurado na atleast kikita ako ng disente dito sa industry na to ng hindi sinasakripisyo na mawalay sa pamilya at magiging worth it ung additional 2 years ng hirap para magka lisensya o tanggapin ko nalang ung high paying deskjob sa bpo para masimulan ko na ung pag buo ng pangarap ko para sa pamilya at sarili ko?
sobrang hirap kasi lunukin na ipagsasawalang bahala ko ung sakripisyo ko ng limang taon sa college para lang mag shift ng trabaho sa ibang industry ng hindi man lang tinatry lumaban. pero kasi ayokong gumising nalang na may regrets na sana hindi ko pala sinayang ung oras ko sa bagay na wala naman akong mapapala... so ayun po, i mean no offense po but i genuinely would just like to know your thoughts and experience about this.
tldr; idk if i should pursue the 2yr apprenticeship to get the license when it doesn't seem like it offers good compensation din naman in the long run (not unless mag abroad ako for bim) i want to know if it's true kasi if oo i might just not pursue it at all at kumuha nalang ng (might be high) decent paying (nightshift :(() deskjob sa bpo.
thank you po and i hope to have your insights 🙏🏻