i used to be a writer, a heck of a good one, too, back in high school and college. somewhere along the way, after entering corporate, i lost the flair, the spark, and the passion for it.
i'm trying to find my way back to writing, so i'm sharing this little piece i wrote. hope you guys appreciate it. thanks for reading. :)
“masarap ka magtimpla ng kape.”
ang simple lang no?
sa dami ng pwedeng maalala tungkol sa isang tao, minsan hindi naman “mahal kita” yung bumabalik.
hindi yung first date niyo. hindi yung anniversary. hindi rin yung mga mahahabang message na sinend niyo sa isa’t isa nung bago pa lang kayo at pareho pa kayong may energy mag-type ng limang paragraphs bago matulog.
minsan, kape lang.
yung timpla na hindi mo na kailangang sabihin kung pano.
alam niyang ayaw mo ng sobrang tapang. alam niyang dalawang kutsaritang asukal lang. alam niyang gusto mong mainit pero hindi yung mapapaso ka tapos mawawala panlasa mo for the next three business days.
walang romantic don.
walang flowers. walang candlelight dinner. walang background music.
may tasa lang sa mesa.
pero siguro ganon talaga pag matagal mo nang kasama yung isang tao. unti-unti kayong nagkakaroon ng sarili niyong sistema.
alam niya kung anong side ng kama gusto mo.
alam mo kung anong part ng chicken yung kanya.
alam niyang pag sinabi mong “okay lang ako,” minsan okay ka talaga. pero alam din niya kung kelan yung “okay lang ako” na kailangan niyang magtanong ulit after five minutes.
alam niyang ayaw mong kausapin pagkagising.
alam niyang kailangan mong mag-kape muna bago ka maging mabuting tao.
mga maliliit na bagay na wala namang meaning sa ibang tao.
pero sa inyo, meron.
siguro eto yung hindi natin masyadong pinag-uusapan tungkol sa pagkawala ng isang tao.
hindi lang naman kasi yung tao yung nawawala.
pati yung routine.
pati yung mga maliliit na bagay na nasanay kang may gumagawa para sa’yo.
pati yung version ng sarili mo na may isang taong kabisado.
kaya minsan akala mo okay ka na.
ilang buwan na rin.
nakakapasok ka naman sa trabaho. nakakalabas ka na with friends. nakikinig ka na ulit sa mga kanta na dati automatic skip.
hindi mo na chine-check kung online siya.
hindi mo na rin chine-check profile niya gamit yung account na walang profile picture.
growth.
tapos isang random na umaga, magtitimpla ka ng kape.
tikman mo.
parang may kulang.
dagdag asukal.
hindi pa rin.
dagdag creamer.
mas lalong hindi.
tapos bigla mong maiisip,
“pano nga ba niya ginagawa ’to?”
ayun.
good morning.
relapse tayo today.
ang daya ng memory no?
kaya nating makalimutan yung exact date ng first date. nakakalimutan natin kung anong suot niya nung una tayong nagkita. minsan nga pati yung pinag-awayan niyo hindi mo na maalala nang maayos.
pero yung pakiramdam na may nag-abot sa’yo ng kape nang hindi mo hinihingi?
andyan pa rin.
kasi siguro hindi naman lahat ng “i love you” kailangan sabihin.
minsan “kumain ka na?”
minsan “text mo ko pag nakauwi ka.”
minsan “ako na.”
minsan sinaksak na niya charger ng phone mo kasi alam niyang matutulog ka na naman nang 8% yung battery.
minsan tinatanggal niya yung sibuyas sa pagkain mo kasi alam niyang ayaw mo.
minsan kape.
at habang tumatanda ako, mas naiintindihan ko na baka eto talaga yung intimacy.
hindi yung may malaking surprise every anniversary.
hindi yung mahahabang captions sa instagram.
hindi yung kailangan makita ng ibang tao kung gano kayo kasaya.
baka intimacy is simply being known.
yung may taong alam kung pano ka alagaan without needing instructions every time.
kasi maraming tao ang pwedeng magtanong ng “anong gusto mo?”
pero ibang klase yung taong hindi na kailangang magtanong.
alam na niya.
and maybe that’s why losing someone hurts in such stupidly specific ways.
hindi mo lang nami-miss yung mukha niya.
namimiss mo yung taong alam na ayaw mo ng raisins sa menudo.
yung taong alam kung kelan ka kailangan kausapin at kung kelan kailangan ka lang tabihan.
yung taong alam na pag sinabi mong “bahala ka,” definitely hindi ibig sabihin non bahala siya.
namimiss mo yung feeling na kilala ka.
at siguro mas masakit pa don, namimiss mo rin yung version mo nung kasama mo siya.
yung ikaw na may inuuwian.
yung ikaw na may ka-share ng random kwento tungkol sa trabaho.
yung ikaw na may sesendan ng picture ng aso na nakita mo sa daan.
yung ikaw na hindi kailangang sabihin kung pano mo gusto yung kape mo.
pero eto rin siguro yung kailangan nating matutunan after mawalan ng tao.
darating yung point na kailangan mong kilalanin ulit yung sarili mo nang wala siya.
kailangan mong malaman kung pano mo gustong alagaan.
kailangan mong malaman kung anong nagpapakalma sa’yo, anong nagpapasaya sa’yo, anong kailangan mo pag pagod ka, at kung ilang kutsaritang asukal ba talaga yung gusto mo.
kasi for the longest time, baka may ibang taong gumagawa non para sa’yo.
ngayon ikaw na.
sa una, mali yung timpla.
masyadong mapait.
kinabukasan masyadong matamis.
minsan matitikman mo at maiisip mo pa rin,
“mas masarap yung gawa niya.”
okay lang.
hindi naman kailangan burahin lahat para masabing naka-move on ka na.
may mga taong hindi talaga natin nakakalimutan.
nag-iiba lang yung bigat ng pag-alala sa kanila.
hanggang isang araw, magtitimpla ka ulit.
iinom ka.
sakto.
at baka maalala mo siya.
pero this time, hindi na sasakit.
baka mapangiti ka pa.
kasi minsan sa buhay mo, may taong nakilala ka nang mabuti enough para malaman kung pano mo gusto yung kape mo.
at kahit wala na siya, may naiwan siyang isang bagay na mas importante kaysa sa timpla.
alam mo na ngayon kung pano mo gustong mahalin.
at unti-unti, natututunan mo na ring ibigay yon sa sarili mo.
kaya oo,
masarap ka magtimpla ng kape.
pero okay lang.
marunong na rin ako.
(PS: this is somewhat inspired by Henry Igna's 'Masarap Kang Magtimpla ng Kape' spoken poetry piece."