r/legaladvicePH • u/astralacetrinity • 10h ago
Debt / Utang Pwedi bang mag file ako ng case sa seller?
Bumili ako ng 2nd hand Personal Computer sa fb(not marketplace) pero di pa dumadating. 1 month palang gamit ni seller. August 30, 2026 ko siya chinat at same na araw rin pina-LBC.
22k halaga ng PC tapos 3261 sa shipping fee, pero ako rin gumastos ng karton, bubble wrap, kasama yung kahoy na crate(1400 pesos) so kulang kulang 27k rin yung binayad ko sa gcash sa kanya. Nong pina ship niya, ako nag bayad ng shipping fee pero COD yung pinili niya. So babayaraan ko ulit yung shipping fee pag i-dedeliver na saken ng LBC.
So ngayon araw hinihingi ko pabalik yung 3k sa seller para sa shipping fee, pero ayaw ibigay ni seller dahil wala pa daw text si LBC na pwedi niya nang kunin shipping fee refund(Sa COD type, pwedi i-refund ng shipper yung shipping fee). Picture ng Driver's license lang niya meron ako.
Tapos hindi na siya nag rereply. Nagastos na niya daw sa bday ng anak niya. Anong pwedi ikaso sa kanya?
Also pag kinuha ko ba yung parcel at bumayad ulit ng shipping fee and then nirefund ni seller shipping fee, pwedi pa rin siya kasohan?