Gusto ko lang i call out muna yung mga doomers dito and sa fb na wala na pag asa gilas before netong window na to. Maniwala kayo at sumoporta lagi kahit ano mangyari, may panahon dati na sobrang panget ng results ng team, di tayo consistent nanalo versus japan, lebanon, qatar nuon pero grabe pa din ang suporta lagi sa national team hindi yung ganto ilang players na ang nag beg off at ayaw na mag laro sa gilas dahil sa kagaguhan ng bash online. Nangyari sa Ravena brothers nuon at ngayon ginagawa kila scottie.
UNA - Yung lineup ng gilas sa last few windows ay isa sa mga pinakalamakas ever na lineup ng Pilipinas ever. Nagkataon na nasa bracket tayo ng Australia and New Zealand (dumikit tayo twice versus NZ). Naniniwala ako na kahit sinong Asian (non oceana) team kaya talunin ng Gilas except siguro sa Japan at full strength (papalag gilas pero di ako confident na better team tayo)
ang build up ng team ay interior defense team, kita nyo naman nung andyan si Kai ibang iba ang feel nung laro. Kaya yung mga reklamo na hindi umaakyat sa screen, lagi tayo natitirahan ng tres, by design yun. sa same strategy and buildup ay tinalo naten yung mga legit european teams like Latvia at Georgia (sinadya magpatalo for quotient).
PANGALAWA - yung mga request ng mga tao na dapat andito yung player na to, etc, imposibleng di naisip yan ng mga decision makers ng program. Most likely nagkaroon yan ng talks at hindi umusad. Pwede tong iimprove para mag expand ng pool lalo sa mga super deserving na players pero may reason bakit meron tayong maliit na pool. Di maintindihan ng karamihan pero mahalaga ang familiarity sa laro at sa sistema, pwedeng magalit kayo sa Triangle system pero eto yung best system para sa players na meron tayo. Sobrang daming years nag rerequest mga tao ng consistency sa team build up, players, system tapos ngayong meron tayo neto puro bash pa din mga tao.
PANGATLO - Kahit gano ko naaintidihan yung unang dalawang points, agree din ako na dapat tayo mag adjust sa next windows at lineup / pool para sure na makasama tayo sa World Cup at magka chance maging best Asian team finisher para mag qualify sa Olympics.
Base sa mga napanuod nateng 4 windows kelangan naten ng:
A) players na may shooting at depensa.
B) Ng mas maayos na point guard play.
C) Kelangan din ng playable na forward size player.
Bukod sa current pool sana etong mga player na to ay maconsider.
A) Heading, Winston, Abando, Dom Escobar?, Ray Parks kung willing pa siya.
B) SJ, Martin if pwede. Bolick. Nocum. Thirdy. Panopio (For the future Titing, Gemao, Alas and Jacob)
C) Zav, Ladi, Lebron Lopez, Daep.
comment kayo if sino pa ang mga pwede.
Pinaka pipe dream is Dylan Harper.
First time in a long time na di naten need ng Bigs kase yung QMB Philips Edu Kai.