hello, would like to ask for advice kasi nitong last week ng July, I started sa isang company and 4 days lang ang naging duration ng stay ko. For context, nakareceive ako ng higher offer from another company which is yun ung naging dahilan for resignation, kinausap ko ung immediate supervisor and they let me go immediately. Nagsabi ako July 30 tas pinabalik lang nung July 31 (friday) ung laptop etc. yung JO naman is until Monday kaya binalak ko sa lunes pa magreply so dumaan yung weekend, nagkaroon ako ng time na pickupin yung TOR refresher at certificate. Nagrefresher review kasi ako last May 2026.
Di ko siya nagamit nung May 2026 exam kasi super busy sa dating company kaya kakakuha ko lang nung TOR tas ayun pagkakuha ko, I had a sudden realization na gusto ko subukan ngayong October exam. Kaya ayun naglibot ako sa review centers and pwede pa naman daw humabol. Ang ending di ko inaccept yung JO kasi nga naisip ko magreview nalang muna ko 2 months na full-time (paano ba naman last take ko is 2021 pa, 5 years na juicecolored). Nagenroll na ko sa RC since di ko na nga tinaggap ung JO.
Dahil hindi tayo anak ng contractor need ko maghanap ng work after Board Exam. Isasama ko pa ba sa resume ung 4 days stint ko? Also, I found out na naghulog pala sa SSS pag-ibig etc. si company since they paid for 1 cutoff (final pay received nitong August 15) then pinasettle sa kin ung overpayment dahil nga 4 days lang ako which is ginawa ko naman, binalik ko ung sobra.
I'm officially cleared last week nareceive ko na COE and 2316 ko from them. Ngayon, kinakabahan ako should I not disclose them sa CV/Resume or sa interviews? pero kita sila sa gov't contrib ko huhuhu balak ko magapply din kasi sa mga bank citi, bpi, jp morgan, mga fmcg or mnc and bpo, especially sa mga bangko alam ko mahigpit backgound checking nila... help, hindi ko na alam ggwin ko balak ko pa man by first week ng October magaapply na ko ulit kasi usually 1-2 months naman hiring process tapos na ung BE by that time.
Torn between ako na maging honest at idisclose nalang sa resume kaso naisip ko what if initial or cv screening palang bagsak na ko if iinclude ko sya. Sa kabilang panig, ayun naman if di ko idisclose mahuli naman sa background checking. If sa initial at final interviews ko naman sya idisclose at hindi sa resume, paano baka maging reason din sya para di ako matanggap? hayy nastress na ako, mga desisyon ko kasi sa buhay. Thank you in advance sa mga sasagot or any comment/advice is appreciated, nawala na ko sa focus sa review kakaisip about dito simula nung nalaman kong kita sila sa gov't contrib...