This is not a hate post or pag sisimulan nang away.
Ebikes like Pedal assist is fun but also banned sa any competition.
Sorry sa kay kuyang cyclist na nakaputi, diko alam na malaki ego mo.
I just wanna share my experience and its my fault kasi mayabang din.
Kakabili ko lang ng Pedelec and its amazing. I also have a roadbike.
Nangyari kahapon Aug 30 (Sunday morning) habang pa-ahon ako sa Crisanto M. Delos Reyes Road mula Amadeo papuntang Tagaytay Crossing.
Chill ride lang ako at 15 km/h gamit yung Nakto Ranger ko nung biglang may dumaan na grupo ng tatlong cyclist—naka-full kit at pang-pro talaga ang gamit, siguro nasa 20 km/h ang hataw. Dahil medyo may pagka-mayabang din tayo dahil bago ang bike, pumasok yung pagka-petty ko haha! Binuksan ko ang Turbo - constant 33 km/h, at naiiwanan ko sila sa ahon.
May isa sa kanila na sumubok humabol at makisabay, pero napagod din agad sa slope dahil diretso lang yung 33 km/h ko.
Nag-stopover ako sa Dunkin' Donuts sa Tagaytay Crossing para magpahinga (hinihingal pa rin kahit naka-pedal assist!). After 5 to 10 minutes, doon din pala sila papunta. Yung isa parang may galit pa rin sa karera—lumapit sa Nakto Ranger ko, tiningnan yung motor hub, tapos sinabihan yung mga kasama nya ng: "Cheater pala kaya mabilis, kala mo malakas!".
Natawa na lang ako tapos umalis na agad para iwas gulo, ang init ng ulo nya ramdam din ng kasama nya.
Akalain mo yun, may qualifying rounds na pala sa public road natin ngayon? 😂 Nandito kaba kuya? Sorry na.