Bilang mag-isa na lang sa bahay, nakakatamad magluto. Dagdag pa yung pag-iisip kung ano uulamin ngayon at sa mga susunod na araw.
May mga lutong ulam naman sa palengke, at salamat sa mga yun, nagbago palette ko at mas nae-enjoy ko na kumain ng gulay, kaso ayun magastos.
Kaya sinamantala ko na long weekend para makapamalengke at maghanda ng pagkain. Sabi ng kaibigan ko, ok lang kung paulit-ulit kinakain basta alam mong masustansya.
May nakita akong recipe sa internet at medyo sinunod ko lang. “Medyo” dahil dinagdagan ko dami ng gulay.
First time ko lang din mamalengke ng mga kakaibang gulay. “Kakaiba” kasi di ko sila nae-encounter sa regular diet ko at wala rin sa palengke namin, tulad ng broccoli at zucchini.
Masaya pala gawin. Ngayon may naka-ready na akong pagkain sa mga susunod na linggo (sana di ko maubos agad). Looking forward na agad ako sa susunod na meal prep session. Share naman kayo ng meal prep recipes niyo hehe salamat!