Pagkatapos ng highschool graduation, nag drift apart na karamihan sa amin, tapos yung iba never ko na talaga nakausap ever since.
Ngayon nasa ibang bansa na ako, pero kinailangan kong umuwi ng 1week sa Pinas para mag asikaso ng documents tapos balik na din agad.
Tapos one day napaisip ako kung kamusta na yung iba kong mga former classmates. Wala naman kaming bad blood, talagang nag iba iba na kami ng priority sa buhay. In addition, medyo introverted at madaling mailang, yung fear na baka hindi ka rereplyan sa chat or tingin sayo weirdo na bigla biglang nagmemessage out of the blue + Matagal na din akong nagdelete ng social media kaya zero contact talaga.
Pero 1-3days before ang flight pa-Pinas, sabi ko sa sarili ko "bahala na". Gumawa ako ng fb account at sinearch ko isa-isa mga pangalan nila para makipag schedule ng meetup sa last 2days ko sa Pinas. At first ang sabi ko lang 1-to-1 meetup, then once nag confirm silang pupunta, 1-2days before actual meetup saka ko sinend ng list ng lahat ng pupunta sa meetup.
Nagbook ako ng AirBnb for two days at dun kami lahat nag catch-up sa buhay buhay. Nakakatuwa lang na kahit 1decade na nakakalipas, ganoon parin ang dynamics namin as if mga highschool classmates parin. Nalaman ko rin noong meetup na ganoon din ang nafefeel nila, curious din sila kung ang status namin sa buhay pero naaawkward lang mag reach out talaga.
Kaya before ako bumalik sa ibang bansa, hiningan ko sila ng written message as souvenir [last two pics] and kanilang mga IG accounts para dun kami makapag update ng mga nangyayari sa buhay. Just being grateful na kahit papaano, sumakses sa life na nakapagsama sama kami even for a short time.