r/FirstTimeKo • u/Pretty_Baseball_938 • 1d ago
🌧️ Pagsubok First time ko magresign sa work with no back up plan
4 months palang ako sa work ko pero nagresign nako. Few weeks mula nung magwork ako dito naging sakitin ako. Walang benefits like hmo so mahirap magkasakit talaga. I worked as a clinic nurse with 13-14hrs shift everyday, no fixed day off. Pinaka matagal kong work siguro 20days straight duty 14hrs shift yun.
Matagal ko na gusto magresign dahil sa health related reasons na rin, ang hirap lang kasi no work, no pay kami. Kailangan pa hanapan ng araw na aligned sa sched ng ibang staff para di magclose yung clinic para makapag day off. Nagpasa ako ng resignation letter ko kahapon (8-31-26) kasi mukhang bibigay na rin yung katawan ko dahil sa work. Naisip ko lang din na hindi naman din sila ang sasagot sa pang hospital ko kapag may nangyari sakin kaya Im looking na ngayon ng work may benefits like health insurance. And tbh, nakakapagod na rin talaga maging nurse dito sa pilipinas. Overworked kana tapos underpaid pa. Samahan pa ng mga coworkers na bully. Im shifting career na rin kasi di ko na nakikita sarili ko sa field na to. It’s just sad na yung pangarap ko pala ang sisira sakin ngayon, physically and mentally.